Nasa mall noon sina Eurie at Kyrie. Ikapitong-taong kaarawan noon ng bata at naisip ni Eurie na i-treat na lamang ito sa paborito niyang fast food chain at binilhan niya lamang ito ng isang maliit na cake na binili niya sa isang bakery sa bangkenta; mas mura kasi doon kaysa sa mga cake shop na nasa mall. "Happy Birthday, Kyrie!" masayang bati ni Eurie sa bata matapos awitan ito. "Oh, mag-wish ka na bago mo hipan yung candle." "Yes po mama," ngiti ng bata at pumikit ito na animo'y nagdadasal. "I wish... I wish... uhmmnn..." Hinipan ni Kyrie ang kandila at tinignan ang inang kaniyang kinagisnan. "Nag-wish ka na?" "Yes po, mama! Nag-wish po ako sa mind ko," tugon ni Kyrie. Gusto sanang marinig ni Eurie ang wish nito dahil iniisip niyang baka may gusto itong laruan o gawin ay iyon sana a