SPECIAL CHAPTER: SKYE

1875 Words

Walong taon ang lumipas matapos ng ikasal si Eurie at si Nigel. Nagkaroon sila ng dalawang anak at pareho itong lalaki. Pinangalanan nilang Alexander Skye ang kanilang panganay na kasalukuyang walong taon na din, at ang bunso naman ay si Andrei Shaun na kaka-isang taon pa lamang. Dahil dalawa na ang kanilang anak at napakaliit pa para iwan ng bunso, nagpasya si Eurie na huminto sa pagtatrabaho sa opisina at sa halip ay ituon ang buong atensyon sa kanilang mga munting anghel. Kahit na may nakakaangat ng buhay sina Eurie, mas pinili niyang makapamuhay ng simple lang at sinang-ayunan naman iyon ni Nigel. Ang biniling bahay ni Nigel para sa kanila ay tamang-tama lamang para sa kanila. Iyon ay isang bahay na may dalawang palapag lamang na may malawak na bakuran para makapaglaro ang mga bata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD