Abala si Nigel sa opisina ngunit hindi niya kailanman nakalimutang magpadala o tumawag kay Eurie kapag may pagkakataon siya. Sa paglipas ng ilang taon, patuloy sa pag-unlad ang Ceinwen at nakikilala na rin ito ng husto halos sa buong mundo. "Tomorrow morning, you have a meeting with the Gemstone event suppliers. Beau Collage Group's contract signing is at two o'clock and tomorrow at eight o'clock is the dinner meeting with the C.E.O.s of Kessho and Vzácny," saad ng sekretarya ni Nigel na si Ivy. Hindi umimik si Nigel. Sanay na siya na palaging puno ang schedule niya. Kung minsan pati weekend ay naroroon din siya sa loob ng opisina kahit na nais niya sanang makasama ang kaniyang mag-iina. "And, we already had sent our proposal to our potential investor in Japan. We're just waiting for th