"Skye, I brought some choco-coated biscuits for you! Wanna try?" tanong ni Inigo sa pinsan at tumabi ito sa kaniya dala ang isang kahon ng biscuit na tinutukoy niya. "Me! Me! I want some too!" masayang sabi ni Kyrie at inabutan siya ni Inigo ng biscuit. "How about you, ate Mikaela? It's delicious!" alok ni Inigo. "Thank you," tugon ni Mikaela at kumuha ito ng isa ngunit una niyang ipinatikim kay Shaun. Napangiti si Mikaela nang makitang magkalat ang tsokolate sa bibig ng munting bata nang kagatin nito ang biscuit. "You like it, Shaun?" "Ahh, so cute," puri naman din ni Kyrie sa batang ngumangatngat ng biscuit. "Oh, oh! Just a little Shaun!" natatawang sabi ni Mikaela nang tila gusto ng isubo ng bata ang buong biscuit. Napatitig si Skye sa kaniyang bunsong kapatid at sa tingin niya ay