Eurie's Pov: Bigo akong mapaalis ang walang hiyang lalaking 'yon sa bahay namin. Nanginging pa rin ako at binabalot ng takot dahil sa isiping baka kung ano ang kaniyang gawin! Nag-aalala ako para kay Kyrie... para kay Nigel... para sa mga posibleng mangyari! Hindi ko alam kung paano masusulusyunan ito dahil hindi ko din talaga alam kung ano ba ang marapat kong gawin! N-Natatakot talaga ako kay tiyo Simon! Wala akong ibang nagawa kung hindi ako na lamang ang umalis sa bahay namin; hindi ko naatim na manatili pa doon sapagkat nandoon ang walang hiyang 'yon ngunit hindi ko naman magawang bumalik sa mansyon. K-Kailangan ko ng makakausap tungkol sa problema kong ito kaya naman nagpahatid ako sa driver ng taxi doon sa paaralan nila Kyrie. Tumawag ako kay Lyca at sinabi niyang magkita na laman