Eurie's Pov: Mas lalo akong nabalisa nang malaman kong nakabalik na ang taong 'yon. Ang hindi ko maisip... k-kung ano... at bakit siya naroroon! Hindi siya babalik ng ganoon na lamang o ng walang dahilan! Imposible din na nagbalik siya para magpakaama kay Kyrie!!! Wala siya ng ganoong pag-uugali! Nakauwi na ako sa bahay at lutang pa rin ang isip ko. Sobra-sobra akong kinakabahan lalo na para kay Kyrie! N-Natatakot akong... baka kunin niya sa akin ang kapatid ko at ilayo ng tuluyan! H-Hindi!!! Hindi ako papayag!!! ... "Mama! Mama?" ilang beses na tawag sa akin ni Kyrie na kinukuyog pa ang katawan ko mula sa aking kinauupuan at doon lamang ako tila natauhan. "H-Ha? Bakit?" "Tita Eurie, kanina pa po kayo kinakausap ni Kyrie," sabi ni Mikaela. "Ha? Talaga ba?" "You're not listening to