Chapter 116: Accord

1951 Words

Eurie's Pov: Kahapon lamang umalis si Nigel ngunit parang isang buwan na ang nakalipas. Medyo o.a. pero parang ganoon talaga ang nararamdaman ko. Pati nga si Kyrie ay nami-miss na rin siya kaagad; sabi ni Jenna ay nandito si Nigel sa mansyon simula noong umaga at umalis lang noong matapos niyang sabayan si Kyrie sa pagkain. Nagpaalam daw ito sa bata at nangakong ipapasyal ulit pagbalik. Napapangiti na lang ako. Kahit alam na ni Nigel ang totoo ay hindi kailanman nabago ang pakikitungo niya sa bata. Kahit na malamig ang pagtrato niya sa ibang tao, kay Kyrie ay hindi at nagpapasalamat ako dahil sa mga simpleng ginagawa niya para sa bata ay napapasaya niya ito. Kung parte man ito ng kontrata, hindi ko na alam, ngunit isa lang ang sigurado ko; mahal na mahal siya ni Kyrie dahil sa kabutiha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD