Eurie's Pov: Sa katigasan ng ulo ko, sinuway ko si Nigel. Ang sabi niya kanina bago siya pumasok ng trabaho ay pumunta kami ng mall para makapamasyal si Kyrie at makapamili kami ng mga gamit namin. Iniwan niya pa ang kaniyang credit card sa akin kahit na tinanggihan ko ito. As if naman gagamitin ko ito para sa kung anu-ano. Kahit na sinabi kong pananagutan niya si Kyrie, ayaw ko namang samantalahin ang bagay na iyon. Ayaw kong gumastos ng pera ng iba lalo na kung alam kong wala naman kaming karapatan. Nagmamadali akong kumain kasama si Kyrie sa kitchen. Medyo natataranta ako kasi baka maabutan pa ako ni Nigel dito. Hindi na ako pumasok sa coffee shop kanina dahil ramdam ko talaga ang pagod at antok pero sa bar, hindi talaga ako pwedeng umabsent. Baka masayang na talaga ang promotion ko!