Eurie's Pov: "A-Asawa?" tila gulantang na tanong ni sir Jude. "P-Paano mo naman naging asawa ang babaeng 'yan!? I-Imposible! Isa lamang siyang hamak na serbidora!" "Bago ako pumasok sa bar na ito, rinig na rinig ko nga ang mga kagaguhang pinagsasabi mo," ani Nigel at kinikilabutan ako sa tono ng kaniyang pananalita. H-Hindi iyon ang kalmadong Nigel na palagi kong nakikita. Nilingon ni Nigel ang paligid at ang pagkadismaya ay nabanaag sa kaniyang reaksyon, "I already told her to resign from this trashy bar and I don't know why she still insists on working here gayong kayang-kaya ko namang bilhin ang lugar na ito at tuluyang ipasara, hindi ba?" "Na-Nigel!" pigil ko sa kaniya nang makita kong nakangisi siya habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig kay sir Jude. Humakbang si Nigel p