Eurie's Pov: Bumalik ako sa bahay namin. Sa totoong bahay namin ni Kyrie at mukhang dito na ako muling mananatili. Malaki na ang pinagbago nito kasi napaayos ko na. Hindi na sira-sira ang mga kagamitan dito; maayos na rin ang dingding at hindi na inaanay dahil gawa na ito sa semento at hollow blocks. Ang bubong ay hindi na rin butas at may kisame na rin. Lumuwag na rin ang kusina at sala dahil ang kwarto ay nasa itaas na, napagawaan ko na kasi ito ng second floor at ang mga sahig ay naka-tiles na din. Pinapinturahan ko din ito ng ivory white sa labas na may kaunting dark brown sa ibang detalye. At ang maliit na bakuran ay may munti ring hardin. Hmm... napakaganda na nito. Bukod sa pagpapaayos ko ng bahay namin, lahat ng pagkakautang namin ay nabayaran ko na din dahil ang sahod ko ay halo