"Oh, bakit umiinom ka d'yang mag-isa? May problema ka ba?" tanong ni Maddison kay Margaret. Pababa siya ng hagdan nang makita niya ang kapatid na may hawak na baso na may lamang alak habang nakatayo at nakatuon ang tingin sa labas ng veranda. Nang araw na iyon ay umuwi ng maaga si Margaret upang samahan sa pagpapacheck-up ng mga mata ang kaniyang anak na si Mikaela. Hindi lamang mapalagay si Margaret dahil sa resulta ng eksaminasyon sa mga mata ng kaniyang anak kaya uminom siya ng kaunti kinagabihan. "Why don't you join me?" alok ni Margaret at iniabot kay Maddison ang hawak niyang baso. Kinuha ito ni Maddie at uminom ng kaunti. Napakunot ang kaniyang noo nang gumuhit ang mapait na lasa nito sa kaniyang lalamunan at saka siya tila nanginig na iniiling ang ulo sa tila pagkadisguto dito.