"Mama, can you—" tawag ni Skye sa ina ngunit nang makita niya na buhat-buhat nito ang kapatid na maliit ay agad itong nagtikom ng kaniyang bibig. "A-Ano yun, Skye?" tanong ni Eurie. "N-Nothing," tugon ng anak at tumayo ito para magpunta sa kaniyang kwarto. Limang na araw na lamang bago ang Family Day sa kanilang paaralan at hanggang sa mga oras na yun ay hindi pa rin maisip ni Skye kung anong gusto. Nais sana niyang magpatulong sa ina ngunit palagi itong abala sa kaniyang bunsong kapatid. Umakyat na lamang si Skye sa kaniyang kwarto at nahiga sa kaniyang kama. Naisip niyang hintayin na lang ang ama at sa kaniya magpatulong ngunit madalas ding pagod ito. Wala pang kinse minutos siyang nakahiga nang muli siyang bumangon at kunin ang isa sa kaniyang mga notebook. Nagsulat siya doon ng san