Nakauwi si Maddie at nakita niya na naroroon na sa kanilang bahay ang anak ngunit wala ang kaniyang asawa. Nakita niyang nakaupo si Inigo sa harap ng tv at nanunuod, at tanging ang mga kasambahay lamang ang kasama. "Who picked you up from school?" tanong ni Maddie matapos iabot sa mga katulong ang pinamili. Nilingon siya ni Inigo at lumawak ang ngiti nito, "Mommy!!!" Tumayo si Igo at nilapitan niya ang ina saka hinagkan ang pisngi. "Where's you father?" tanong ni Maddie. "Is it true that he picked you up?" "Yes po, kakaalis lang po ni daddy." Nangunot ang noo ni Maddie. Sa isip niya ay imposible yun dahil kakakita niya pa lang kay Benj sa mall. "INIGO, DON'T LIE TO ME! DID HE REALLY PICK YOU UP!?" mariing tanong ni Maddie na ikinagulat ng bata. Nanlaki ang mga mata ni Inigo at baha