"Oh, napakaganda naman nito," biglang sabi ni Maddison habang nakatitig sa isang magazine. Binalingan siya ng tingin ng asawa niya na si Benjamin na kasalukuyang nagkakape at nanunuo ng telebisyon. Pareho silang walang pasok sa trabaho ng araw na yun. Siniguro kasi ni Benjamin na ang araw ng kaniyang day-off ay ang araw din mismo ng day-off ng kaniyang asawa para mayroon silang oras sa isa't isa. "May I see? What's that?" ani Benj. "Look, babe," nakangiting pinakita ni Maie ang larawan ng isang rest house na napapaligiran ng maganang hardin at sa labas ng gate nito ay ang magandang asul na dagat. "It's so refreshing ano? Napaka-homey niya. Ang ganda nung color napaka-aesthetic and minimalist pero ang elegante pa ring tignan! At ang lawak ng labas, pwedeng gawing playgound for kids or ma