Natapos ang palabas at pinuntahan ni Margaret si Mikaela sa gilid ng stage para batiin. Nakita ni Margaret na inaalalayan ito ng isang gwapong binatilyo na siyang kapareho ni Mikaela sa dula habang sila ay naglalakad. Masyado kasing mahaba ang gown na suot ni Mikaela at may kadiliman ng kaunti ang tiyatro kaya hindi nito makita ang nilalakaran. "Thank you... D-Dwight," matamis na nakangiti si Mikaela sa binata at nginitian din siya nito. Nang marinig ni Margaret ang pangalang itinawag ni Mikaela sa binata ay bahagyang tumaas ang kaniyang isang kilay. Iyon pala ang binatang tinutukoy nya na hinahangaan nito. Agad niyang nilapitan ang anak at nagulat si Mikaela. "M-Ma!!!" bulalas ni Mikaela at napatingin sila ni Dwight kay Marga. "Yes, honey," tugon ni Marga ngunit ang mga mata niya ay n