Eurie's Pov: A-Ano ba namang— sh!t, ang lakas ng t***k ng puso ko! Nasa tabi ko si Franz at nasa kabila naman si Nigel. Napalunok na lang ako ng kaunti; hindi ako makaimik lalo na nang bigla akong bulungan ni Franz at sabihing... baka kaya palagi kaming nagtatagpo ay para makuha niya akong muli. Sira-ulo ba siya? Haayyy... wala naman sigurong nakarinig sa kaniya, hindi ba!? Pero nanginginig talaga ako dahil sa kakaibang pakiramdam na tila ba isang matalim at malamig na tingin ang nakapukol sa akin. H-Hindi naman siguro— Marahan kong iniangat ang aking tingin kay Nigel mula sa sulok ng aking mga mata upang hindi niya mahalata ngunit... nanginig ako lalo nang makitang hindi maipinta ang kaniyang mukha! A-Anong gagawin ko!? Pareho naman kaming hindi makakibo dahil may iba pa kaming kasam