Chapter 68: Purpose

1719 Words

"Eurie!" masayang hiyaw ni Franz. Sakay ng kaniyang bisekleta ay nakita niyang naglalakad si Eurie papasok sa kanilang paaralan. Napalingon si Eurie sa kaniyang likuran at nakita niya si Franz. Namilog ang kaniyang mga mata at agad siyang nag-iwas ng tingin at binilisan niya ang paglalakad. "Eurie! Sandali!" ani Franz at binilisan nito ang pagpapaandar ng bike para habulin si Eurie. Kahit na subukan ni Eurie na magpanggap na hindi niya narinig si Franz o hindi niya ito kilala, hindi na siya makakapagsinungaling pa. Nilingon na niya kasi ito kanina at isa pa, si Franz ay kilala sa buong school nila. Bukod kasi sa matalino ito ay miyembro din ito ng basketball team at talaga namang madaming babae ang humahanga sa kaniyang kagwapuhan. "Eurie!" muling sambit ni Franz sa kaniyang pangalan n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD