Pipikit-pikit pa ang mga mata ni Eurie nang maalimpungatan siya ng umagang iyon dahil sa ingay. Ilang pagkalansing na tila may nahulog na bagay ang kaniyang narinig kaya siya nagising. Napalingon siya sa orasan na nakasabit sa kanilang dingding, ala-sais ang pasok niya kaya bumangon na siya nang makitang alas quatro y medya na ng madaling araw. Madilim pa sa labas at malamig dahil sa hamog ngunit hindi niya iyon inalintana kahit na masarap pa sanang matulog. Lumabas si Eurie ng kwarto at nakita niya ang kaniyang ina sa sala. Mukhang nagsasalansan na ito ng mga paninda nitong mga gulay sa bilao ngunit sa panghihina ay tila natabig niya ang ilang kagamitan na nahulog sa sahig at pinulot niya ang mga ito. "M-Ma? Ayos ka lang ba?" tanong ni Eurie nang mapansin na tila nahihirapan sa paghinga