Eurie's Pov: Kakatapos lamang ng misa at palabas na kami ng simbahan. Hindi talaga mapaghiwalay sina Kyrie at Nigel dahil ang bata ay nakakapit lamang sa kaniyang kamay. Kami ni Lyca ay nakasunod lang sa likuran nila sa di kalayuan at pinagmamasdan sila. "Ang saya nilang panuorin, ano?" ani Lyca at tumango naman ako habang bahagyang nakangiti. "Matagal talagang nasabik si Kyrie na magkaroon ng ama, pero... paano kaya kung malaman niya na ang totoo?" "Alam ko naman na darating ang araw na 'yon," malungkot kong saad at napabuntong-hininga na lamang ako. "Darating ang panahon... makikilala niya ang tunay niyang ama." "Hmn?" "Alam mo bang— Alam mo bang nakabalik na si Franz?" pagbabago ko ng usapan na ikinadilat ng kaniyang mga mata. "A-Ano!? K-Kailan pa!? Nagkita na kayo!? Sh!t!!! At an