"Franz! Franz!!! H-Huwag, p-please!!!" pagtangis ni Eurie. Tila natauhan naman si Franz nang maramdaman ang panginginig ng katawan ni Eurie dahil sa pag-iyak. Pati siya ay tila nagulat sa kaniyang sarili kaya agad siyang napabangon at napatitig kay Eurie. Nang makita niyang umiiyak si Eurie habang nakayakap na sa kaniyang katawan ay naawa ito at nagsisi agad. "E-Eurie! Eurie... so-sorry! H-Hindi ko sinasadyang—" Muli niya sanang hahawakan si Eurie upang yakapin at humingi ng tawad ngunit pinangilagan na siya ng dalaga. Mabilis na tumayo si Eurie at tumakbo palabas ng kwarto ni Franz. Umiiyak itong tumakbo pauwi sa bahay nila. Pagdating ni Eurie sa kanilang bakuran, huminto muna siya ng sandali upang ayusin ang sarili. Ayaw niyang makita siya ng kaniyang ina na umiiyak lalo pa't wala ito