Kasama ni Franz ang mga kaibigan niya pati na rin ang mga kasintahan ng mga ito. Mga nakalingkis ang mga ito sa isa't isa at ang ilan ay kumportable pang naghahalikan sa harap nila. Nangungunot ang noo ni Franz sa inggit at iritasyon; tatlong buwan na kasi silang magkarelasyon ni Eurie ay ni hindi niya man lang magawa ang mga ganoong bagay dito. "Oh, nasaan na ang girlfriend mo!?" nakangising tanong ng isa sa mga babaeng tila nang-aakit kay Franz. "Pinaasa ka na naman? Huwag ka ng mag-expect na darating 'yon." Inanyayahan ni Franz si Eurie na sumama sa kaniya sa bahay ng kaniyang kaibigan na kasama niya sa basketcall team. Madalas nilang gawin iyon pagkatapos ng praktis upang mag-inom ng alak. "Hindi na mahalaga 'yon kung darating siya o hindi," ani Franz na nagsalok ng alak sa kaniyang