PASURAY-SURAY na naglalakad si Divlen at mabilis ang mga hakbang niya. Habang si Jester at Herrera ay nakasunod sa kanya at distansya ang layo sa mula rito. Biglang natisuod si Divlen, dahil sa suot nitong heels at bumagsak siya. "Divs!" bulalas ni Herrera, at tumakbo ito sa kinaroroonan ng dalaga. "Partner…" napasigaw rin si Jester nang makita niya ito, at patakbo siyang lumapit. "Divs, okay ka lang?" puno sa pag-alala niyang tanong at tiningnan ang paa nito. "Partner, okay ka lang?" At hinawakan ni Jester ang pisngi ng pinsan niya. "Okay lang ak—" putol niyang tugon, dahil bigla siyang binuhat ni Herrera. "Hindi ka okay!" turan nito, at napatitig si Divlen sa mukha niya. Lihim namang napangiti si Jester sa ginawa ni Herrera para sa pinsan niya. Pakiramdam nito ay may patutun
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books