SA pagkakataong iyon ay hindi na tumalon si Collin sa pool, siya at si Tom at nagtulungan upang maahon sa tubig si Jamela. "Partner—" sambit ni Jester, ngunit hindi nakinig si Divlen. Bagkus hinawakan niya ang kamay ni Herrera at nag-walkout ang dalawa. "— Partner..." tawag ni Jester, ngunit hindi ito nakikinig sa kaniya. "Ummm… nagtampo yata," bulong niya sa sarili. "Dude, magpalit muna kami ng damit," pahayag ni Collin. "Sige, dude." "Thart, halika. Titingnan natin ang CCTV," wika ni Jester. "Okay, let's go." JAMELA and COLLIN'S POV Samantalang pagpasok ni Collin at Jamela sa room nila ay bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ng asawa niya. "Ouch! Babe, it hurts!" Napangiwi si Jamela sa ginawa ni Collin. "Akala mo ba na hindi ko nakita ang ginawa mo kanina, huh?