Samantala si Divlen ay palapit na sana siya sa isang holdaper, subalit napansin siya nito. "Sh*t! Parak!" sigaw ng lalaki at sabay putok ng kanyang baril at agad namang nakakubli si Divlen. Nang gumanti siya sa pagbaril ay natamaan ang lalaki at napuruhan ang dibdib nito at agad namatay ang isang holdaper. Dahil sa putok na iyon ay nag-panic ang mga customers na ginawang hostage-taking at kanya- kanyang sigawan ang mga ito. "Tumahimik kayo! Kung ayaw ninyong pasabugan ko kayo ng granada!" Pananakot ng lider ng mga holdaper. "Iking, tanggogoy! Puntahan ninyo kung saan galing ang putok!" utos ng leader at agad namang kumilos ang dalawang tinawag. "Iking, doon ka sa kabila," pahayag ng isang lalaki sa kaniyang kasama. Naghiwalay ang dalawang lalaki at nakita naman ito nila Jester at D