Tom's POV
Pagkagising ni Tom ay agad itong napahawak sa ulo niya dahil sumakit ito dala ng hangover, at agad niyang naalala ang babae. Paglingon niya sa higaan ay wala na ito sa tabi niya kaya napabalikwas siya nang bangon upang tingnan sa banyo, ngunit wala doon ang babae.
Bumalik siya sa kama at umupo, naalala niya ang nangyari sa kanila ng babae at bigla niyang hinila ang kumot nakita niya ang konting patak-patak ng mga dugo sa sapin ng kama. Napangiti siya sa nakita sapagkat malinis ang babaeng nakasiping niya ng one night stand.
Sa mga oras na 'yon isa lang ang pangako niya sa kanyang sarili, hahanapin niya ang babae at kahit saan mang sulok sa bansa. Tumayo siya para maligo, nang pumasok siya sa banyo ay nakita niya ang mga suot ng dalaga kagabi. Kinuha niya ang mga ito at tinititigan nang paulit-ulit at bumalik sa kaniyang alaala kung paano niya nakilala ang babae.
Nagtaka siya kung paano ito nakalabas gayong naiwan ang mga ito. Nang matapos mag-ayos sa sarili niya ay tumawag siya sa telepono para magpahatid ng coffee.
Nang kumatok ang hotel boy ay agad niya itong pinapapasok.
"Good morning,sir. Ito na po ang coffee ninyo."
"Good morning! Paki-lagay na lang diyan."
"Ahh, sir. May nagpapabigay pala sa iyo nito." Sabay abot nang isang bagay na nakabalot.
"From who?" tanong ng binata.
"Isang babae po, sir. Hindi sinabi ang pangalan."
"Saan na ang babae?" Excited na malaman agad ni Tom, dahil nakasiguro siya na 'yon ang babaeng naikama niya kagabi.
"Wala na po, sir. Nag-check-out na"
"Ano?! Mga anong oras?"
"Kaninang umaga, mga alas-sais siguro iyon."
"Okay, sige. Thank you!"
"May kailangan pa po ba kayo sir?"
"Wala na, salamat!" Pag-alis ng boy ay agad niyang binuksan ang nakabalot na bagay at tiningnan niya ang laman nito. Damit pala niya ito at may nakalagay na maliit na papel agad naman niyang binuklat sa pag-akalang may phone number or pangalan ng babae.
Dismayado si Tom, dahil isang note lang na ang nakalagay.
"Sorry, ginamit ko ang damit mo na walang paalam. Ito na sinauli ko." Laman ng sulat.
Mabilis tinapos ni Tom ang kanyang kape at nagmamadaling pumunta sa information area ng hotel.
"Good morning, boss!" bati ng supervisor.
"Good morning! Eric, puwede ko bang matingnan ang record book sa mga nag-check-out kanina mga alas-sais?"
"Sure, boss!" Sabay inabot
ni Eric sa record book at pinagbubuklat ito ni Tom.
"Boss, matanong ko lang, may hinahanap ka ba?"
"Oo. May nag-check-out ba kaninang umaga?"
"Yes, boss." At pinakita ni Eric ang name ng mga nag-check-out.
"Ito boss, Melodina Bucio Belargo."
"Saan ang address niya, Eric?"
"Tagum City ang nakalagay dito, Boss."
Kilala ni Tom ang supervisor ng kanilang hotel dahil matagal na itong nagtatrabaho sa kanila at itinuturing na niya itong kapamilya.
"Boss,kilala mo ba siya?"
"Hindi, Eric, pero gusto ko siyang makilala."
"Naku! In love ka yata sa babae na iyan boss, ah!" Pagbibiro ni Eric.
"Siguro nga, Eric."
Inspector Navarro's POV
Pagdating nila Inspector Navarro, at Detective Jacutin sa kanilang condo ay hindi tinigilan ni Divlen ang kanyang pinsan sa pagtatanong. Kaya inamin ni Jester ang buong nangyari sa kanila nang gabing iyon. Kaya hindi napigilan ni Divlen na mapahagalpak nang tawa.
"Guwapo ba ang lalaki, partner?" nakangiting tanong ni Divlen.
"Oo, partner. Kaya nga siguro hindi ako nakatanggi sa ginagawa niya."
Muling humalakhak si Divlen. "Ang suwerte naman ng lalaking 'yan dahil sinukuan mo talaga ng bandila." Pangungutya ni Divlen.
"Sa totoo lang, partner. Wala akong pinagsisihan sa ginagawa ko. Kasi, masaya ako." Paliwanag ni Jester.
Tom's POV
PAGKALIPAS nang ilang araw ay kumuha si Tom ng detective para mahanap si Melodina Bucio Belargo. Agad namang kumilos ang detective sinimulan niya ang paghahanap sa babae, sa lugar ng Tagum City ay pinuntahan ng detective. Ngunit bigo ito na mahanap si Melodina Bucio Belargo. Dahil walang pangalan na ganoon sa lugar at pumunta na rin siya sa mga barangay, upang tingnan ang records ng mga residente nila subalit wala talaga ang pangalan ng babae.
Busy si Tom sa mga oras nang 'yon, dahil may inasikaso siya sa office ng ama niya. Biglang tumunog ang kaniyang phone, kaya agad naman niya itong tiningnan. Nang makita niyang si detective Salvaña ang tumawag ay agad niya itong sinagot.
"Mr.Robinson, puwede ba tayong mag-usap?" wika sa kabilang linya.
"Sure, detective. Pumunta ka na lang dito sa Office."
"Okay, thank you."
Excited naman si Tom sa ibabalita ng detective. Bandang hapon ay tumawag ang sekretarya niya sa intercom.
"Yes?"
"Sir, may naghanap sa inyo. Mr. Salvaña." wika ni Raquel Plaquia, ang personal sekretarya niya.
"Okay, papasukin mo."
"Okay po, sir."
Agad naman na pumasok ang detective at pinaupo niya ito.
"Detective,kumusta ang inutos ko sa iyo?" excited niyang tanong.
"I'm sorry, Mr. Robinson. Pero walang Melodina Bucio Belargo sa lugar na binigay mo sa akin."
"What! Pero paano nangyari na wala?" Biglang kumunot ang noo niya sa sinabi ng detective.
"Siguro hindi totoo ang ibinigay niyang identity Mr.Robinson."
"Sinubukan mo bang itanong sa mga barangay?"
"Yes! Ngunit wala talaga."
"Sige, salamat detective."
Pagkatapos mag-abot ng bayad si Tom ay umalis na ito. Lalong nahihiwagaan si Tom sa pagkatao ng dalaga. Habang dumadaan ang mga araw ay lalo niyang hinahanap ang babae at hindi na ito maalis-alis sa isipan niya.
"Hindi ako titigil hangga't hindi kita mahanap. Interesting akong alamin ang tunay mong pagkatao," pahayag ni Tom na mag-isa, habang tulala itong nakatingin sa monitoring ng laptop niya.
Inspector Navarro's POV
Balik sa trabaho si inspector Navarro at ang partner niya. Sa paglipas ng mga araw ay hindi na maalis sa isipan niya ang lalaking nagbibigay sa kaniya ng isang gabing kaligayahan.
Kaya minsan nawawala ang concentration niya sa trabaho dahil ito na lang ang laging laman ng utak niya.
"Partner, si Phil-Am na naman ba ang nasa utak mo?" Pangungutya ng pinsan, dahil nakita niya itong nakatulala.
Hindi naman sumagot si Jester,mailing-iling na lang ito at nakangiti.
"Partner, ano ba ang balak mo, hahanapin mo ba siya?"
"Wala akong plano, partner, istorbo lang siya sa aking trabaho."
Nasa kalagitnaan sila nang kuwentuhan nang may tumawag sa kanilang linya. dahil may nagaganap na holdapan sa isang malaking mall, kaya nagmamadali silang umalis para puntahan ang lugar.
Ilang minuto lang ay nandoon na sila sa naturang lugar. Pagkakita ng mga kapulisan sa kanila ay agad itong nagsaludo.
"NBI department, ano na ang sitwasyon sa loob?" tanong ni Inspector Navarro sa isang pulis na nakakubli sa isang patrol car.
"Inspector, may mga hostages sa loob kaya mahirap naming mapasok."
"Ilan ba ang nasa loob?"
"Mga anim, Inspector."
"Sige, kayo na ang bahala dito iikutin lang namin."
"Okay, mag-ingat po kayo."
"Sila ang mag-ingat!" tugon ni Detective Jacutin.
Maingat na umiikot ang mag-partner sa likod ng mall at doon sila naghanap ng madadaanan. Nakita naman nila ang pintuan sa exit kaya dahan-dahan silang pumasok.
Sinenyasan ni Jester ang partner niya na doon sa kabila, at siya dito naman sa kabilang bahagi naman. Tumango naman si Divlen, at ingat na ingat silang makalapit sa mga holdaper.
Hanggang sa makalapit si Inspector Navarro sa isang lalaking nakatalikod at agad niya itong pinalo sa batok dahilan upang mawalan ito nang malay. Agad niya itong hinila at itinali.