Chapter 97

1216 Words

LORABEL Inis na inis ako kay April, kaya hindi ko napansin ang parating na grupo ng mga lalaking tumatakbo sa direksyon ko. Nagulat ako nang tumigil sila sa harap ko at kinausap ako ng isa sa kanila. “Ma'am, okay ka lang ba?” tanong ng isa sa mga lalaki sa akin. Tiningnan ko sila isa-isa dahil ngayon ko lang sila nakita, pero para bang nag-aalala sila sa akin. “Sino kayo?” tanong ko sa kanila. Nagkatinginan sila, pero wala akong narinig na sagot mula sa kanila. “Nakita po kasi namin na mukhang inaaway ka ni Miss April,” magalang na sagot ng lalaking kumausap sa akin. Tikom naman ang bibig ng tatlo pa niyang kasama na nakatayo sa likuran ng lalaking kausap ko, na para bang wala silang karapatan na magsalita at sumagot sa mga tanong ko. “Pasensya na kayo, pero kailangan ko nang luma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD