LORABEL Nagising akong katabi si Uncle Zarex sa kama dito sa silid niya. Nakaunan pa ang ulo ko sa kaniyang braso at yakap niya ako habang balot ng makapal na kumot. Madaling araw na kami nakatulog dahil nagkuwentuhan muna kami ni Uncle Zarex kagabi bago natulog. Katatapos lang kasi naming kumain, kaya ayaw muna niyang mahiga sa kama. Ang sabi niya ay magtanong ako ng kahit anong gusto kong malaman tungkol sa kaniya. Nalaman ko na bukod sa tauhan siya ng asawa ni Faye, isa rin pala siyang negosyante. Nasa Russia ang mga magulang niya at umuwi lamang siya doon kapag kailangan dahil dito na siya nanatili sa Pilipinas. May ilang bagay akong nalaman tungkol kay Uncle Zarex, lalo na sa personal niyang buhay. Wala raw siyang naging girlfriend dahil abala siya sa trabaho at doon nakatuon ang