Chapter 4

1456 Words
LORABEL Gabi na, madilim na rin ang daan nang sunduin ako ni Uncle Zarex at dinala niya ako sa kaniyang bahay sa loob ng isang eksklusibong subdibisyon dito sa Quezon City. Kalahating oras lang pala ang layo nito sa dating bahay ng mga magulang ko, pero dahil umuulan at may traffic, kaya inabot kami ng isang oras sa daan bago nakarating. “Feel at home, babe,” nakangiting sabi sa akin ni Uncle Zarex nang buksan niya ang pintuan at magkasama kaming pumasok sa loob ng kaniyang bahay. “Salamat, pero puwede po bang Lorabel na lang ang itawag mo sa akin?” lakas-loob kong tanong kay Uncle Zarex. Gumalaw ang kaniyang kilay at nagkibit-balikat. “I'm used to it, pero susubukan ko.” “Salamat,” mahina kong sagot. Tinanguan lang niya ako. Yumuko si Uncle Zarex at tiniklop ang manggas sa braso ng suot niyang polo. “Have a seat first,” sabi ni Uncle Zarex nang makarating kami sa sala. Umupo naman ako, pero ang aking mga mata ay gumagala dito sa loob ng kabahayan. “May kasama ka ba dito?” nahihiya kong tanong dahil hindi ko ito naitanong sa kaniya bago sumama kay Uncle Zarex kanina. “May kasambahay ako at security guard dito, pero may sarili silang bahay na tinutuluyan sa labas,” sagot ni Uncle Zarex. “Meaning, ikaw lang dito?” mabilis kong tanong. Tumango naman si Uncle Zarex at sumandal ang likod sa sofa. “Not anymore, kasi kasama na kita,” pormal niyang sagot habang nakatingin siya sa akin. Umayos ako ng upo. Napalunok rin ako bigla dahil pakiramdam ko'y biglang may kung anong bumara sa lalamunan ko. “Hindi naman ako magtatagal dito,” mahina kong sagot. “Why? Ayaw mo ba dito sa bahay ko?” magkasunod na tanong ni Uncle Zarex sa akin. “Hindi sa ganoon,” mabilis kong sagot. “Hindi naman kasi tama na makitira ako dito ng matagal. Ano na lang ang sasabihin ng asawa mo kapag nalaman niya na may ibang babae kang dinala at pinatira pa?” Nakita kong gumalaw ang gilid ng mga labi ni Uncle Zarex. “I'm not married yet, babe.” Umawang ang aking mga labi. Naramdaman ko na naman kasi ang mabilis na pintig ng aking puso matapos kong marinig ang sinabi ni Uncle Zarex. “Ikakasal ka na ba?” tanong ko sa kaniya. Nagkibit-balikat siya, kaya nakaramdam ako ng kaba at hiya dahil kahit dinala niya ako dito sa kaniyang bahay ay estranghero pa rin kami sa isa't isa, pero nagtatanong na ako ng personal na bagay sa buhay niya. “Ah, huwag mo na lang pong sagutin,” mabilis kong sabi kay Uncle Zarex. “Why not?” tanong niya sa akin. “Wala naman akong itinatago, so you can ask me anything you want to know about me, babe.” Napangiwi ako. Bukod sa pagtawag niya ng 'babe' sa akin, napapansin ko rin na katulad ng asawa ni Faye, englisero rin pala si Uncle Zarex. Sa tingin ko, mukha rin siyang foreigner dahil sa kulay ng kaniyang mga mata, ganoon din sa matangos niyang ilong at maputing balat. “Baka matunaw na ako n'yan, babe,” nakangising sabi ni Uncle Zarex sa akin nang mahuli niya akong nakatitig sa kaniya, kaya napaupo ako ng tuwid at agad nag-iwas ng tingin sa kaniya. Napahiya ako, pero hindi ko ito ipinakita kay Uncle Zarex. Matapos lumunok, nag-angat ako ng mukha at tumingin sa direksyon niya at nagtanong. “Foreigner ka ba, Uncle?” Bahagyang tumaas ang kaniyang kilay. "Is that what you were thinking when you stared at me?” walang paligoy-ligoy niyang tanong sa akin, kaya tumango ako. “Oo,” mabilis kong sagot. “Filipina ang mother ko, at Russian ang father ko,” sagot ni Uncle Zarex. “I was born in Moscow and studied there until I completed my master's in business.” Wow, bigatin pala ang lalaking kaharap ko. Mukha nga siyang mayaman kasi magara ang sasakyan at may malaking magandang bahay, pero naisip ko na imposibleng wala siyang babae. Sa tingin ko, ayaw lang niyang sabihin sa akin ang tungkol doon. “Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit nakituloy ako dito sa bahay mo?” tanong ko kay Uncle Zarex. “It's up to you kung gusto mong sabihin sa akin ang tungkol diyan, pero kung ayaw mo naman, I respect your privacy,” sagot niya sa akin. Hindi ko napigilan ang magpakawala ng malalim na buntonghininga dahil pakiramdam ko'y ang bigat ng aking dibdib. Dati, maganda naman ang buhay ko kasama ang mga taong inakala kong totoo kong mga magulang, pero walang permanente dito sa mundo at lahat ay puwedeng magbago sa isang kisap-mata, kaya ngayon, naiwan akong mag-isa at walang matutuluyan. “Namatay ang aking ina at iniwan din ako ni Papa,” mahina kong paliwanag, pero alam kong narinig ito ni Uncle Zarex. “Wala rin namang mga kamag-anak namin ang tumanggap sa akin, tapos nailit ng bangko ang bahay namin dahil maraming utang si Mama, kaya pinaalis nila ako kanina.” Minabuti kong sabihin kay Uncle Zarex ang totoo dahil siya lamang ang nag-iisang taong tumulong sa akin. Walang pag-aalinlangan na pinuntahan niya ako sa guardhouse kahit umuulan at dinala niya ako dito sa kaniyang bahay at pinatuloy kahit hindi naman niya ako lubos na kilala. “You can stay here as long as you want, babe,” narinig kong sabi ni Uncle Zarex sa akin. “Hindi naman ako magtatagal dito,” sagot ko. “Aalis rin ako kapag nakahanap na ako ng trabaho at matutuluyan.” “Mag-isa lang ako dito sa bahay. Maraming guest room na puwede mong tuluyan nang hindi ka nag-iisip ng kahit ano, kaya bakit uupa ka pa kung puwede ka namang tumira dito kasama ko?” Napakurap ako at napatingin sa mga mata ni Uncle Zarex. Maganda ang offer niya, magaan rin ang loob ko sa kaniya, pero hindi ko kayang samantalahin ang kabaitan niya. “Salamat, pero hindi naman tama na makitira ako dito ng matagal,” sagot ko. “Alright, we can talk about that soon,” sabi ni Uncle Zarex. Tumayo na siya at sinabing ihahatid niya ako sa silid na tutuluyan ko para makapagpahinga na ako. Agad kong kinuha ang bag na dala ko, pati na rin ang plastic na may laman ng mga basang damit na hinubad ko, at pagkatapos ay tumayo na rin. Akmang aabutin ko sana ang hawakan ng maleta ko, pero naunahan ako ni Uncle Zarex at niyaya na akong umalis sa sala. “Follow me, babe.” Kagat ko ang aking pang-ibabang labi nang humakbang ako kasabay ni Uncle Zarex papunta sa hagdan. Dinala niya ako sa pangalawang palapag at tumigil sa tapat ng isang saradong pintuan. “Come in!” Dahan-dahan akong humakbang papasok sa loob ng silid. Nagulat ako sa nakita ko dahil napakalaki pala nito at sa tingin ko'y katumbas ito ng tatlong silid sa dating bahay ng mga magulang ko. “Ang laki naman nito,” hindi ko napigilang sabihin. “Ayos na sa akin, kahit doon sa maliit na silid lang, Uncle.” “Wala namang gumagamit ng silid na ito. Isa pa, isa lang ito sa mga guestroom dito sa bahay. Lahat ganito ang sukat, kaya kahit alin ang piliin mo ay pareho lang ang laki at disenyo,” paliwanag ni Uncle Zarex. Nalula ako sa laki ng silid na ibinigay niya sa akin. Hindi ko inaasahan na dito niya ako patirahin dahil ayos na sa akin kahit maliit na maid's quarter basta may matuluyan lang ako, pero ayaw pumayag ni Uncle Zarex na doon ako tumuloy. “Stay here, mas mabuti kung dito ka tutuloy dahil mahihirapan akong puntahan ka sa ground floor kapag gusto kitang makita kasi bababa pa ako,” paliwanag niya sa akin. May punto naman siya, kaya lang nahihiya talaga ako sa kaniya. “Saan ang silid mo?” bigla kong naisip na itanong sa kaniya. “Outside,” mabilis na sagot ni Uncle Zarex. “Ha?” gulat na tanong ko. “Sa labas ang silid mo?” “Why? Gusto mo bang dito na rin ako tumira kasama mo, or do you want to see my room?” magkasunod niyang tanong sa akin. “Hindi, bakit ka naman dito titira kasama ko?” mabilis kong sagot. “Isa pa, ano namang gagawin ko doon sa room mo, Uncle?” “Marami,” mahina, pero mabilis niyang sagot. Sumilay ang ngiti sa labi ni Uncle Zarex. Napalunok na naman tuloy ako nang makita kong nakatingin siya sa mukha ko habang nakangiti siya na para bang may ibang ibig sabihin ang sinabi niya na marami kaming gagawin sa loob ng kaniyang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD