LORABEL Kanina pa nakalabas si Uncle Zarex, pero hanggang ngayon, nakasandal pa rin ako dito sa headboard ng kama at tulala. Hindi ko na rin mabilang kung ilang minuto na ba ang lumipas simula nang lumabas siya sa pintuan at naiwan akong mag-isa dito sa silid. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang epekto ng paglapat ng mga labi namin. Hindi lang basta friendly kiss iyon dahil torrid pa. Kahit wala pa akong naging boyfriend, aware naman ako sa uri ng halik na pinaranas niya sa akin kanina. Hindi naman ako inosente pagdating sa bagay na ito dahil nagkalat sa social media at napapanood rin sa telebisyon pati na rin sa mga pelikula. Kanina pa nakahawak sa tapat ng dibdib ko ang aking mga kamay dahil napakabilis ng pintig ng aking puso. Hinihingal rin ako at mabilis ang aking paghinga.