Chapter 34:

1549 Words

Matapos ng mainit na sandali sa ilalim ng shower ay pinagpahinga na muna siya ni Harvey. Gigisingin na lamang daw siya kapang maghahapunan na. Mukhang kailangan niya rin iyon dahil medyo nanghihina pa nga siya. Agad naman siyang nakatulog ng makahiga sa malambot na kama nito. Nakangiting nakatunghay si Harvey sa maamong mukha ng asawa. Batid niyang malalim na ang pagkakatulog nito dahil ramdam niya ang lalim ng paghinga nito. Hinamplos niya ang mukha nito at hindi maiwasang mapangiti. Lumapit siya sa side table niya at nilabas mula sa ilalim na drawer ang isang picture frame. Nasa loob noon ang larawan nila Jackie sa isang restaurant sa Baguio ng unang dinala roon ang babae. Nakaupo sila noon at naalalang nakiusap pa siya sa waiter na kunan sila nito. Umakbay siya kay Jackie saka ngumiti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD