"KUNG ganoon ay dinalaw tayong lahat ng panaginip. Maaring magkakaiba pero iisa ang nais tukuyin," saad ni Shailene. Nagtipon-tipon naman kasi silang magkakapatid sa kanilang family house. Kasama ang kanilang mahal na ama. "Raven Andrew anak, dahil ikaw ang dating alagad ng batas ay kailangan mong gumawa ng hakbang at imbestigasyon ng walang nakakaalam. Alam kong nauunawaan mo ang aking ibig sabihin. Sa huliang bahagi ng kuwento mo ay nangyari iyan sa amin ng Mommy ninyo. Actually, when I was a Chief inspector, as you are, I became her private bodyguard. Pero nauwi sa pag-iibigan ang amo-tauhan naming relasyon. Kaya nga nagkaroon kami ng apat na anak sa katauhan ninyong magkakapatid." Pahayag ng may edad nilang ama. Subalit marahil sa pagkaalala sa kanilang ina na ilang taon na ring nam