"ANO ngayon ang plano mo, Kuya?" tanong ni Shailene sa kapatid na dating Chief Inspector. Actually, lahat naman sila ay retired na sa kani-kanilang trabaho. Tanging ang kapwa nila may edad na kapatid ngunit dahil pari ito ay hindi nagre-retired. "Kung personal decision ko lang ang masusunod ay isang order lang sa mga bayarang assassins ay tapos ang problema natin. Ngunit hindi pa naman tayo ganoon pinalaki ng ating mga magulang. Kaya't kailangan pa rin nating ikunsulta ito kay Daddy," tugon nito. "Tama ka, Kuya. Walang sasalungat sa iyo sa bagay na iyan. Dahil ayon na rin sa mga nilalaman ng report ng mga pamangkin ko ay kailangang makagawa ng hakbang sa lalong madaling panahon. Habang wala pa silang kamalay-malay na exposed na ang katiwalian nila." Pagsang-ayon na rin ni Gwyneth Pearl.