"ANO raw ba ang mangyari, anak? Bakit nandito kayo sa pagamutan?" maang na tanong ni Raven Andrew sa isa sa triplet na anak. Si Javier Raven. "Ah, paano ko ba ito ipaliwanag---Kung natatandaan mo po last week ay mayroon po kaming hawak na kaso. Alam mo naman pong kami rin ni twin brother ang partner sa lahat ng hawak na trabaho. Ayon sa aking pagkaunawa ay remnants daw ng---" "Saglit lang, anak. Talagang ako ang nahihilo sa paliwanag mo. At bago ka sitahin ng anak mo ay magpaliwanag ka ng maayos huwag ang pasikot-sikot. Ano'ng kinalaman ng mga remnants---" "F*ck! Huwag mong sabihing binalikan siya bilang pagganti sa pagkahuli nila?!" Napatigil si Raven Andrew sa paninita sa anak ngunit nagpatuloy din siya agad iyon nga lang ay napamura siya. Dahil nakuha rin sa wakas ang nais ipahiwati