"NGAYON ay magsalita ka kung ayaw mong matuluyan, Hija. Kaya naman pala updated ang taga-labas dahil mayroong espiya rito sa bahay na hindi namin nalalaman," wika ni Ginoong Raven Andrew. "Wala po kayong malalaman sa akin, Sir. Dahil wala naman po talaga akong kaalam-alam sa mga sinasabi ninyo," giit ng katulong. "Mirasol Hija, kung noon mo pa sinabi o isinagot iyan sa amin ng Sir mo ay maniniwala ako. Dahil sa katunayan ay talaga namang mapagkatiwalaan ka. Ano ba ang rason mo ay nagawa mo kaming lokohin?" patanong namang saad ni Ginang Scarlette. Naiinis na siya sa totoo lang. Dahil walang natutuwa sa kaalamang may buhay na anay na pala sa kanilang tahanan. Kung hindi pa dahil sa mga apo nilang Britons ay wala pa silang nalaman. "Ano ba ang ingay na iyon, hubby ko?" Napabalikwas si