"TITO! Wala sa usapan ang---" "Alam ko, anak. Dahil kasama n'yo ako noong binuo ninyo ang plano. Ngunit dahil kaming mga Sandoval ang target ng katawan ay ako mismo ang pain. Wala sa mga pinsan mo." Pamumutol ni Raven Andrew sa pamangking heneral. "Pero baka mapahamak ka, Tito. It's not what you think, but iba noong noong ikaw ang chief inspector kaysa ngayon. May edad ka na po, Tito. Kaya't huwag mo sanang masamain ang pagbawal ko sa iyo." Umiling-iling pa si Prince Tommy dahil na rin sa pagsalungat sa tiyuhin. Lihim namang napangiti si Raven Andrew dahil sa tinuran nito. Ngunit dahil ayaw niyang ma-offend ito at mas madali niya itong makumbinsi ay nanatili siyang seryoso. "Alam ko, anak. At laking pasasalamat ko dahil iniisip mo pa rin ang aking kaligtasan. Ngunit hayaan mo akong gaw