DAHIL kasalanan naman talaga ng remnants ang nangyari ay walang kasong hinarap ang pamilya Sandoval at higit sa lahat ay ang Camp Villamor. Sila ang dehado pero bilang mamayan ng bansang Pilipinas ay ipinahatid ng kampo ang mga nakilala nila sa mga ito. Samantalang ang iba ay binigyan nila ng maayos na himlayan. Nang nakarating ito sa kasalukuyang pangulo ng bansa ay sinaluduhan pa ang naturang kampo. FEW days later... "Ate Cia! I miss you! Ilang araw na walang maingay dito sa bahay. Ah, ang mga Britons pala. Kaso nauubusan ako ng English. Si Mama Maya Camille kasi hindi tinuruan ng salita natin eh." Salubong ni Ralph Javier sa pinsang kakauwi lang din mula sa pagamutan. "Hanep ang bubwit na ito, ang ingay ko talaga ang na-miss mo?" nakatawang tugon ng dalagita. "Ay, miss nga po kita,