"BAKA naman maaring ibahagi mo sa amin ang nagpapangiti sa iyo, asawa ko? Aba'y kaninang umaga ka pa pangiti-ngiti ah," pukaw ni Scarlette sa asawang talaga namang sinaniban ng magandang espirito. "Oo nga naman po, Daddy. Iyan po ang napuna ko kaninang bago kami umalis ni kambal ah. May iba na bang nagbibigay ngiti sa iyo maliban kay Mommy?" patanong ding wika ni Nicolas Andrew. Well, aware na aware naman siya sa tinutukoy ng mag-ina niya. Aba'y kasalanan ba niya kung talagang iyon ang ibinubulong ng kaniyang damdamin. Kaso bago pa niya maibuka ang labi upang ipaalam sana ang dahilan kung bakit hindi mapuknat-puknat ang ngiting nakabalatay sa mukha niya ay naunahan siya ng asawa. "Hah! Kung mayroon ay doon siya sa dahilan ng pangiti-ngiti niya riyan, anak. Ngayon pa bang nasa wastong gu