"ANO'NG ginagawa mo rito, anak? Gusto mo bang maranasan ng iyong mga anak ang karanasan mo?" "Pagod na po ako, Daddy." "Napagod saan, Hija? Kung tungkol sa iyong pag-iisa at paghihintay ay gisingin mo ang iyong sarili. Dahil ang bagay na iyan ang iwasan mo. Alalahanin mong may maliit kang anak. Ang triplets, sa pag-aakala mo ba ay kaya na nilang tumayo na walang ina? Anak naman. Sa pananalita mong iyan ay hindi na ikaw ang palaban kong anak." Sa tinurang iyon ng kaniyang ama ay napangiti si Scarlette. Maaring hindi ito ang tunay niyang ama ngunit kailanman ay hindi naging sagabal iyon upang maipadama nito ang pagmamahal na ninanais at hinahanap ng isang anak. "Anak, kasasabi ko lang na may mga anak kang naghihintay sa iyo. Oras na ipagpatuloy mo ang iyong pag-iimadyen ay hindi nalalayo