DAHIL na rin sa nangyari sa naunang plano sa kasal nila sa simbahan ay kinausap na lamang nila ang kanilang kapatid na si Father Prince Phillip na basbasan sila. Pumayag ito at isinagawa ang private and sacred wedding ceremony sa loob mismo ng simbahan ng Bontoc Parish Church kung saan ito naka-based. Ilang buwan ang nakalipas simula isinilang ni Scarlette ang kambal. Subalit dahil nasa Baguio City ang karamihan sa kanilang family member ay sa siyudad isinagawa ang reception. At labis-labis ang kanilang pasasalamat dahil naisagawa ang matagal nilang pinakaasam-asam o ang magkaroon ng basbas ang kanilang pagsasama mula sa simbahan. TWO years later... "Po? Aba'y kailangan pa ba iyon, Mommy? Eh, araw-araw naman po kaming magkasama." Namumulang napatingin si Scarlette sa biyanang babae. Aba