"MAY problema ba, anak? It's been a while since I saw you with alcohol. Baka naman makatulong ang Daddy mo sa iyo?" Tinig ng ama ang nagpabalik sa naglalakbay niyang diwa. "Hindi naman siguro magagalit si Mommy kung aalukin po kita ng alak kahit ngayon lang, Daddy?" Inilahad niya ang palad na may hawak-hawak sa wine glass na may lamang alak. "Sure, son. Pero baka ang pamangkin mo ang manenermon sa iyo oras na makita ang alak?" tugon nito saka inabot ang baso at tinungga. Akala nga niya ay hanggang doon na lamang. "Ngayong nainom ko na ang alak ay baka masabi mo na ang iyong problema, anak. Kahit nagkukulong ka rito, hindi sinasabi kung mayroon ngang bumabagabag sa iyo ay ramdam kong mayroon. Again, what's your problem, son?" muli ay tanong ng ama. Kaya naman ay wala na rin siyang na