Diary, Kahit asawa ko ay walang nalaman. Dahil kailanman ay hindi ako nagsalita. Pero kahit tinalikuran ko ang dati kong trabaho bilang inspector at niyakap ang pagiging negosyante ay hindi ko nakalimutan ang mga kaibigan kong sina Pareng Phillip, Joe at Leo. Sila ang mga taong kailanman ay hindi nawala sa piling ko sa oras ng kagipitan at pangangailangan. Subalit dahil sa pag-ibig ay inabanduna ko sila. But God knows that they are always in my heart and mind. I miss them. Diary, Hindi ko alam kung makikita ko pang muli ang aking mga kaibigan. Pero kapag ako ang mawala sa mundo ay sila ang higit na may karapatan sa aking bangkay. Sa kanila ko rin ipagkakatiwala ang aking anak. Oo, aking anak. Dahil kahit kailanman ay hindi kami nagkaroon ng anak ni Minerva. Kaya't tunay na anak ang tur