"HIJA! I never thought that I could see you again. Baby ka pa noong huli ka naming nakita ng mga Tito Ninong mo. What a small world. So, kumusta ang Daddy mo? Aba'y ang taong iyon ay isinapalaran pa talaga ang kaligtasan mo. Hindi na yata siya nag-isip na baka mas mapahamak ka dahil sa ginawa niya. Mabuti na nga lang ay itong kinakapatid mo ang iyong nakasalamuha na tumulong sa iyo." Dahil sa galak ni Ginoong Phillip ay hindi na siya magkandatuto. "Hon, aba'y maari bang pagsalitain mo muna ang dalaga ni Pareng Arnold. Hindi na siya makasingit eh," tuloy ay pabirong saad ni Ginang Princess Ann. Tuloy! Ang dalagang nalulungkot ay napatawa na rin. Kung tutuusin ay kadarating pa lang nila sa Baguio. Pero damang-dama niya ang init nang pagtanggap ng pamilya Harden-Sandoval sa kaniya. "I'm