"DEAD on arrival mga Sir. Ngunit may itatanong po sana ako tungkol sa pasyente," pahayag ng Doktor. And yes! "Mommy!" malakas na sigaw ni Raven Andrew. Ang kaniyang ama ay yakap-yakap ang ina. Kaso hindi sa paraang kaaya-aya. Subalit dahil sa pagmamadali niyang lumabas sa kanilang silid upang alamin kung ano ang nangyari ay hindi na niya naisip nahagdan ang dadaanan. Kung hindi pa siya hinablot ng asawang sumunod lang din pala sa kaniya ay baka patay na siya. May kataasan pa naman ang hagdan sa Hacienda De Sandoval. Nang nahamig na niya ang sarili ay dali-dali silang bumaba. "Go and call the driver, son. We need to take your Mom in the nearest hospital." Salubong sa kaniya ng ama. Kaya't kahit gustong-gusto niyang alamin kung ano ang nangyari ay isinantabi niya muna ang lahat dahil s