"CONGRATULATIONS!" Wala na yatang katapusang pagbati ang naririnig sa araw na iyon. Sabagay hindi naman nila masisisi ang bawat isa. Dahil sa katunayan ay nasa Hacienda De Sandoval silang lahat para sa reception ng kasalang Williams at Sandoval. Kasal nina Alistair Williams at Maya Camille Sandoval. "Sweetheart! You are here?!" Dulot man ng pagkabigla ng banyagang binata ay napalakas ang boses ni Alistair. Hindi nga inisip na nasa paligid ang mga magulang ng babaeng pinakamamahal. Dahil pagkakita nito sa dalaga ay patakbo na itong lumapit saka yumakap ng mahigpit. Hindi lang iyon, basta na lamamg ito nanghalik. Tuloy! Napahagikhik silang nandoon. Ang Briton ayon sa dalawang lalaki sa triplets ay basta nangyayakap at nanghahalik. "Sa lagay na iyan ay talagang kasal na ang kasunod, ba