"IT'S been a while since that incident in Hacienda De Sandoval, hubby loves. At ilang buwan na ring doon naninirahan ang kambal. Namamana na rin ba iyon?" saad ni Scarlette isang gabi habang sila ay nakatanaw sa kalawakan ng Baguio City. "Kung an ibig mong sabihin ay ang pagtira ng kambal doon ay sigurado ang sagot ko, wifey loves. Dahil ang mga pinsan kong dalawa mula sa triplets ni Papa Ralph Angelo ay mas ginustong nanirahan doon at nakapag-asawa. Who knows, matutupad din ang matagal na hinihiling nila na may manirahan doon mula sa mga Sandoval," paliwanag naman nito. Kaya naman ay napangiti siya. Totoo naman kasing malaki ang pamilya Sandoval. Subalit ang identical twin ng biyanang lalaki ay legal na Andaya. At ito ang nagmana sa lahat ng ari-ariang iniwan ng umampon dito. Wala naman