HACIENDA DE SANDOVAL "Magtapat ka nga sa amin ng Daddy mo, Arnold Raven," saad ni Ginang Scarlette sa anak na panay ang pagtanaw sa mga kasambahay. "Nakikinig po ako, Mommy. Ano ba iyon---Ouch! Mommy naman. Aba'y ano ba ang kasalanan ko at bigla kang nangungurot?" Nakangiwing hinarap ng binata ang ina. Hah! Kung hindi lang sana niya alam na hindi na maaring magbuntis ang ina ay aakalain niyang mayroon itong menopausal baby. Kaso ang ama ang namingot sa kaniya ng pasimple. "Kapag gagawa ka ng kalokohan ay siguraduhin mong hindi namin malalaman. Ngayon, kung may gusto ka sa anak ni Magda ay kausapin mo ng maayos. Kahit anak kita ay walang makakapigil sa akin upang bigyan ka ng leksiyon oras na malaman kong mah kababalaghan kang ginawa," anito habang hawak-hawak ang taenga niyang dumikit