lKAHIT badtrip kay Nerd ay hindi ko pa rin mapigilan ang mapangiti dahil sa five million na premyo ni Ma’am Dorothy. Balak kong ipagawa ng bahay ang tatlong milyon at dagdagan ko na lang ng pitong milyon na napanalunan ko naman sa RG para kahit papaano ay malaki-laking bahay ang maipapagawa ko. Siguro naman sa halagang ten million ay magawa na ang dream house ko. Ang gusto ko sana ay may apat na guess room sa taas at isang master’s bedroom, may library room, theater room, malawak na kitchen, malaking dining room, malawak na living area, may malaking garage na kasya ang isang dosenang kotse, malawak na backyard, at may swimming pool sa rooftop at baba. Gusto ko nga rin sana mayroon din golf course, pero mukhang hindi na yata kaya ng budget ko, kasi two million lang ang nakalaan kong pera