TWO weeks ago nang mangyari ang kaguluhan sa first birthday ng kambal kong pamangkin. Lahat ay nagkagulo, lahat ay umiyak lalo na si Poppy na hindi nagpaawat. Naawa ako sa kanya lalo naʼng malaman na may pasa si Kalinda at mukhang matu—trauma pa dahil sa ginawa ng mga Mora na iyon, mabuti na lamang ay ligtas silang lahat sa kapahamakan at nakuha na rin nila ang ibang relatives ng mga Mora na iyon, lalo na ang parents ng babaitang inggitera kay Poppy. “Miss Selena, fruits niyo po.” Tinignan ko si ate Rita at nilapag ang mangkok na puno ng ibaʼt ibang prutas. “Thank po, ate Rita. Hindi pa po ba dumadating si Buzz?” tanong ko sa kanya. Nasa loob ako ng room ko at naghihintay akong dumating siya. Namimiss ko ang amoy niya. “Wala pa po, Miss Selena.” Tumango na lamang ako sa kanyang sinab

