ISANG araw naʼng makuha si Kalinda at nasa likod nito ay ang yaya na kinuha nila, si ate Cindy. Nag—aalala rin ako para kay daddy Buzz. Paano kung masagutan siya? Paano kung mapahamak siya? Hindi ko alam ang gagawin ko. “Wala pa rin po bang balita kung ano na ang nangyayari roon, mom?” bulong ko sa kanya. Kinakabahan din ako, hindi lamang si Poppy. “Wala pa, Selena. Magdasal lamang tayo, paniguradong magiging ligtas silang lahat, maging si Kalinda at si Buzz.” Tumango ako sa sinabi ni mommy at muli kaming nagdasal. Nang matapos kaming nagdasal ay pinuntahan ko ang pinsan ko na hanggang ngayon ay kinakabahan at balisa pa rin. “Poppy, magiging okay si Kalinda, ha? Maniwala tayo kay God na ililigtas niya sa kapahamakan si Kalinda kaya huwag ka na maging balisa at kabahan pa, Poppy. Nal

