FIRST week of December, naka—receive ako ng email about sa visa na inapply namin last month. Balak naming magbakasyon lahat doon before mag—Christmas then babalik kami rito sa Philippines para mag—pasko. Masaya mag—pasko sa Pilipinas. “Mommy, bakit hawak mo ang tablet? May problem ba sa house ninyo?” Napatingin ako sa bathroom namin nang marinig ang boses ni daddy Kaladin. Umiling ako sa kanya. “Nope. Email about sa visa natin. Lumabas na at pʼwede ng makuha today. I should go there, isasama ko na lamang si kuya Buzz, Kaladin.” sabi ko sa kanya. Kuya Buzz na ang tawag ko sa kanya, napag—isipan kong mas matanda talaga siya sa akin. At, magiging brother in law ko na siya. Naaamoy ko na iyon. “Are you sure, mommy? Pwede naman akong dumaan doon before sa company. Baka mapagod ka pa—”